WATCH: Ibang Kenneth Medrano ang mapapanood sa 'One of the Baes' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Todo na ang promotion ng cast ng pinakabagong primetime series na 'One of the Baes' na mapapanood simula September 30.

WATCH: Ibang Kenneth Medrano ang mapapanood sa 'One of the Baes'

By AEDRIANNE ACAR

Todo na ang promotion ng cast ng pinakabagong primetime series na One of the Baes na mapapanood simula September 30.

 

 

EXCLUSIVE: 'Eat Bulaga' heartthrob Kenneth Medrano, ayaw maging "super sikat"

Sa naging Sikat guesting ng isa sa mga artista dito na si Kenneth Medrano, kinuwento niya kay Papa Obet ang mga pinagdaanan nilang training para sa One of the Baes.

Wika niya, “Pinagdaanan po namin lahat! Kung ano po ‘yung training ng gagawin po ng mismong marine student doon, kailangan gagawin rin po namin. For example, bawal magpunas ng pawis, bawal din po sa amin ‘yun.”

Tinuturing din ng aktor na big break ito na tulad niya na isang Bisaya. Kakaibang Kenneth Medrano daw ang masisilayan nila sa soap na ito.

“Siyempre po isang break po sa isang Bisaya, kasi marami po kasing seaman na Bisaya.

“Kakaiba po ‘yung Kenneth Medrano dito, parang first time ko lang po na ginawa ‘yung habit, may habit po kasi ako dito,”

Check out the full interview in the video below: