WATCH: Newbie actress Faye Lorenzo, nagkuwento sa first teleserye project niya bilang isang Kapuso | GMANetwork.com - Radio - Articles

Bumisita si Kapuso newbie Faye Lorenzo sa 'Sikat' program ni Papa Obet noong October 7 para mag-promote ng pilot episode ng pinakabagong afternoon soap na 'Madrasta.'

WATCH: Newbie actress Faye Lorenzo, nagkuwento sa first teleserye project niya bilang isang Kapuso

By AEDRIANNE ACAR

Bumisita si Kapuso newbie Faye Lorenzo sa Sikat program ni Papa Obet noong October 7 para mag-promote ng pilot episode ng pinakabagong afternoon soap na Madrasta. ito ay pinagbibidahan nina Arra San Agustin, Thea Tolentino, at Juancho Trivino.

WATCH: Thea Tolentino, naniniwalang effective siya sa pagiging kontrabida

Makakasama ang mestiza beauty sa bagong soap ng Kapuso network bilang best friend ng karakter ni Arra na si Audrey.

Kuwento ni Faye kay Papa Obet, nakakataba daw ng puso na binigyan siya ng ganitong klaseng project ng GMA-7 kahit baguhan.

Wika niya, “Ako dito si Joanne, isang nurse na magiging kaibigan ni Ms. Arra San Agustin. Very supportive ako dito and masayahin.

“Ito ‘yung kauna-unahan kong teleserye na binigay sa akin ng GMA [na] ipinagkatiwala sa akin, so sobrang saya, grabe!

Paano ba nakapasok si Faye Lorenzo bilang isang Kapuso?

Balikan ang kanyang journey bago napasama sa Madrasta sa panayam ni Papa Obet sa Sikat sa video below.