WATCH: Jeric Gonzales, nag-focus sa physical preparation para sa soap na 'Magkaagaw' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Jeric Gonzales at Klea Pineda, more than friend na ba? Panoorin ang sagot ng aktor sa panayam ni Papa Obet sa “Sikat."

WATCH: Jeric Gonzales, nag-focus sa physical preparation para sa soap na 'Magkaagaw'

By AEDRIANNE ACAR

Mas sexy na version ng Jeric Gonzales ang dapat abangan ng mga Kabarangay sa bagong afternoon soap na Magkaagaw.

 

Jeric Gonzales
Jeric Gonzales

 

Dito, makakasama ni Jeric ang dalawang magagaling na aktres na sina Sunshine Dizon at Sheryl Cruz.

Makakatambal din ng Kapuso actor ang aspiring beauty queen na si Klea Pineda.

WATCH: Klea Pineda at Jeric Gonzales, handa na ba sa daring at mature role sa 'Magkaagaw'?

Sa panayam ni Papa Obet kay Jeric, ibinahagi niya ang kanyang physical preparation para sa naturang afternoon soap.

Wika niya, “Kasama talaga siya sa preparation ko, may strict diet talaga and then intense workout, and mas madami akong ginawang programs like, nag-muay thai, boxing, mas marami talaga.”

Malayo din ang kuwento ng Magkaagaw sa mga nakasanayang teleserye na napapanood sa telebisyon, dahil magpo-focus ito sa tema ng paghihiganti.

Ani Jeric, “Doon kasi sa teasers namin sabi nila hindi ito ordinaryong love story, it’s about revenge.

“About revenge ng isang naging asawa na naging asawa nung isa. Karibal talaga, so magkakaroon talaga ng agawan,”

May pahayag din si Jeric Gonzales sa panayam niya sa Sikat sa real score nila ng Magkaagaw co-star niya na si Klea Pineda.

More than friends na ba ang dalawa?

#Kilig: Klea Pineda and Jeric Gonzales show they're the next love team to watch for

Check out the full interview of Jeric Gonzales in Sikat in the video below.