WATCH: Sunshine Dizon, gaganap na kabit sa 'Magkaagaw' | GMANetwork.com - Radio - Articles

"Patikim pa lang namin itong mga nakikita niyo," sabi ni Sunshine Dizon tungkol sa mga naunang inabangang episode ng 'Magkaagaw.'

WATCH: Sunshine Dizon, gaganap na kabit sa 'Magkaagaw'

By AEDRIANNE ACAR

Muling ipapamalas ng Kapuso drama actress na si Sushine Dizon ang husay nito sa pag-arte sa bago niyang afternoon soap na Magkaagaw.

 

 

ABANGAN: Pag-aaway nina Veron at Laura sa burol ni Mario sa 'Magkaagaw'

Kasama niya dito ang ilan sa pinakamagagaling na talents ng GMA-7 tulad nila Sheryl Cruz, Jeric Gonzales at Klea Pineda.

Sa pagbisita nila sa afternoon radio program ni Papa Obet ngayong Huwebes, October 24, ikinuwento ni Sunshine na first time siyang gaganap na ‘kabit’ sa isang serye.

Wika niya, “Naku, madaming-madami pa! Itong first four days, e, patikim pa lang namin itong mga nakikita niyo. Pero mag-e-evolve pa ‘yung story dahil like today kakamatay lang ni Alfred [Vargas].

“Ito na ‘yung pinakamitsa na parang magkakaroon na si Sheryl Cruz, ‘yung character niya, na gaganti ako!

“Ang masasabi kong kakaiba sa story namin dito sa Magkaagaw na first time naman na gaganap ako kabit yun.”

Nagbigay din siya ng ilang detalye patungkol sa Magkaagaw na hango ang istorya nila sa totoong buhay.

Saad niya, “Actually, ang kakaiba dito sa Magkaagaw hindi sinasadya ni Laura maging kabit, kasi ang storya po namin nag-simula ng 1990 during that time and it is fact-based, hindi pa uso ang CENOMAR, so hindi malalaman ng tao kung itong tao na ‘to ay kasal na ba noon, bago kayo ikasal.”

Dagdag ni Sunshine, “Ang difference nito nga is, si Laura hindi sinasadya ‘yun, dahil naitago nga sa kanya nu ng character ni Alfred Vargas na kasal na pala siya kay Veron.

“So, siguro makikita naman natin dito sa istorya ‘yung namang kabilang side naman di ba nung mga taong nailagay lang sila sa ganoong sitwasyon pero hindi naman talaga nila sinasadya.”

Balikan ang one-on-one interview ni Sunshine Dizon at Lovely Abella sa Sikat sa video below.