WATCH: Kyline Alcantara, aminadong hindi pa ready mag-compose ng sariling kanta | GMANetwork.com - Radio - Articles

Kung mabibigyan si Kyline Alcantara ng pagkakataong makapagsulat ng sariIi niyang kanta, magfo-focus daw ito sa "positivity" at "love."

WATCH: Kyline Alcantara, aminadong hindi pa ready mag-compose ng sariling kanta

By AEDRIANNE ACAR

Tiyak na mala-last song syndrome kayo Kabarangay sa "Paalam Na," ang bagong kanta ng La Nueva Kontrabida na si Kyline Alcantara under GMA Music na isinulat ni singer-writer na si Mikee Misalucha.

 

Kyline Alcanatara
Kyline Alcanatara

 

WATCH: What can millennials learn from Kyline Alcantara's movie 'Black Lipstick?'

 

Ibinahagi ni Kyline ang ilang detalye ng bago niyang single sa exclusive interview ni Papa Obet sa Sikat. Dito rin niya sinabi kung ano ang meaning sa kanya ng "Paalam Na."

Wika niya, “It’s all about moving on. Mabilis siyang sabihin pero mahirap siyang gawin ‘yung pag-momove on,

“’Yung iba it takes years or like months, tapos ‘yung iba naman araw lang. Suwertihan 'yang mga araw na 'yan.”

Natanong din ni Papa Obet si Kyline kung naiisip na ba niya pasukin ang mundo ng songwriting. 

Aminado naman ang Kapuso versatile actress na may takot siya gawin ito, pero kung mabibigyan ng pagkakataon, gusto niya ibahagi niya ang journey niya bilang artista sa isusulat na single.

“Natatakot ako mag-compose, wala pa kasi akong inspiration siguro para makapag-compose ng kanta.

"Pero If ever man siyempre siguro sa career kung paano ko ito narating, kung saan man ako nakarating. It’s all about positivity, pero siyempre dahil uso ang love ngayon, siguro malay mo may tungkol din sa love ganyan.”  

Balikan ang Sikat interview ni Kyline Alcantara sa video below.