SIKAT: Julie Anne San Jose at Rico Blanco, sumulat ng kanta sa point of view ng isang third party | GMANetwork.com - Radio - Articles

Hugot song ang pinakabagong single nina Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose at Rico Blanco na ‘Isang Gabi.’

SIKAT: Julie Anne San Jose at Rico Blanco, sumulat ng kanta sa point of view ng isang third party

By AEDRIANNE ACAR

Muli kayong mamamangha sa talent ng Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose sa bago niyang kanta under Universal Records na ‘Isang Gabi.’ Ang newest hugot single na ito ay collaboration ni Julie with OPM icon Rico Blanco.

WATCH: What can millennials learn from Kyline Alcantara's movie 'Black Lipstick?'

WATCH: Sunshine Dizon, gaganap na kabit sa 'Magkaagaw'

Sa naging guesting ng Kapuso singer sa Sikat radio program ni Papa Obet last week, ikinuwento niya ang naging inspirasyon nila sa kantang ito.

LISTEN: Julie Anne San Jose's raw vocals from her latest single "Isang Gabi"

Paliwanag ni Julie, “Collaboration po ito with Rico Blanco, isa po itong hugot song. Medyo malalim po ang message nitong kantang ito.

“Kung sino man po ‘yung nakaka-relate. Kasi 'di ba usually kapag may relationship tayo, ‘yung iba nakakaranas na [maging] other.

“So ano po ba ang point of view ng other person na ‘yun? Diyan po nila maririnig sa kantang iyan.”

Nilinaw naman ng Asia’s Pop Diva na ayaw nilang maging controversial ang ‘Isang Gabi’ at ang tanging hangad nila ay ipakita ang point of view ng isang tao na third party sa isang relasyon.

Aniya, “Hindi kami nag-e-encourage, okay? We are just stating kung ano man ‘yung posibleng baka nararamdaman ng isang third party 'di ba?

“Kasi ito naman [we] made sure na hindi naman siya home wrecker or anything like that.

"We didn’t want it to sound like parang too controversial or anything, pero may mga iba din kasi na talagang nakaka-experience ng ganito.”

Watch the full interview of Julie Anne San Jose in Sikat in the video below.