WATCH: Ed Caluag, may payo sa mga takot sa mga paranormal entity | GMANetwork.com - Radio - Articles

Paranormal expert Ed Caluag, bida sa #MPK ngayong Sabado ng gabi!

WATCH: Ed Caluag, may payo sa mga takot sa mga paranormal entity

By AEDRIANNE ACAR

Hangad daw ng paranormal investigator at licensed teacher na si Ed Caluag na mainspire ang manonood kapag napanood nila ang episode ng #MPK kung saan tampok ang kwento ng kaniyang buhay this Saturday night, January 11.

 

Ed Caluag
Ed Caluag

 

WATCH: Ed Caluag, gaganap sa sarili niyang talambuhay sa '#MPK'

 

Sa panayam niya sa Sikat program ni Papa Obet, sana ay kapulutan daw ng aral ng mga Kabarangay ang kuwento niya.

Aniya, “Masaya na gusto ko maka-inspire para po doon sa iba na gusto nila malaman ‘yung mga pinagdaanan ko sa buhay,

“So gusto ko na makita nila ‘yung aral. Mas gusto ko mas mag-focus sila doon sa mga pinagdaanan, kasi ‘yung pagiging paranormal investigator or gift nae-enhance 'yan, nade-develop 'yan, napag-aaralan.

“Pero ‘yung buhay na pinagdaanan mo ‘yun na ‘yun, hindi mo na mababago.”

Nakilala nang husto si Ed bilang paranormal expert sa mga segment ng news magazine show na Kapuso Mo Jessica Soho.

Nag-iwan din siya ng payo sa mga natatakot sa nakakasalamuha niyang paranormal entities na sa halip na “katakutan” daw ay “unawain” na lang ang mga ito.

Paliwanag ni Ed, “Unang-una hindi po sila dapat katakutan, dapat po sila ay unawain. Kasi tulad ng tao namomroblema din 'yan. Tulad ng tao may hinaing din 'yan.

“So kung wala po makikinig sa kanila at walang uunawa e katatakutan lang talaga."

Catch Ed Caluag’s full interview in Sikat last January 9.