LOOK: Former 'Star Hunt' contestant Papa King, bagong DJ ng Barangay LS Forever! | GMANetwork.com - Radio - Articles

Kilalanin ang bagong Kapuso radio heartthrob na magpapakilig sa inyo sa Barangay LS forever.

LOOK: Former 'Star Hunt' contestant Papa King, bagong DJ ng Barangay LS Forever!

By AEDRIANNE ACAR

There are more reasons para tumutok ang mga FM listeners sa nangungunang radio station sa Metro Manila, ang Barangay LS Forever, matapos ipakilala kahapon, January 14 ang pinakabagong DJ na makakasama ninyo araw-araw!

Tiyak maraming kikiligin na Kabarangay ladies, dahil opisyal nang miyembro ng Barangay LS family si Papa King or Earl Kin Franco sa totoong buhay.


Nakilala si Papa King nang sumali siya noon sa reality TV show na Star Hunt kasama ang kanyang identical twin brother na si Earl Kim Franco.

May special treat din ang Kapuso radio heartthrob para sa mga Kabarangay, dahil nagpa-sample siya ng dance skills niya habang sinasayaw ang hit single na “Catriona” ng rapper na si Matthaios.

 

Welcome to the Barangay LS fambam, Papa King!