Ruru Madrid on his current inspiration: 'She's my everything' | GMANetwork.com - Radio - Articles

May kilig na mensahe ang Kapuso actor na si Ruru Madrid sa babae na nagbibigay inspirasyon sa kanya ngayon.

Ruru Madrid on his current inspiration: "She's my everything"

By AEDRIANNE ACAR

Kinilig ang mga radio listeners ng Barangay LS Forever sa mga hirit ni Ruru Madrid nang ma-guest ito kahapon (January 15) sa radio program ni Papa Obet na Sikat.

Bumisita ang Kapuso leading man para i-promote ang newest single niya na “Maghihintay” under GMA Music.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Salamat sa pag tune in sa BARANGAY LS 97.1FM #Sikat with #RuruMadrid and Papa Obet! #MaghihintayRuru

A post shared by GMA Music (@gmamusicofficial) on


Sa pagtatanong ni Papa Obet, napag-usapan nilang dalawa ang inspirasyon ni Ruru sa pagsulat ng kanyang kanta.

Wika niya, “Eveyrtime na may nafi-feel akong extreme na feeling like for example sobra akong happy o ‘di kaya sobra akong lungkot nakakapagsulat ako,

“So, ‘yung dalawa kong nasulat isang sobrang saya, ‘yung isa sobrang lungkot.”

Umamin naman ang Moreno hottie na may special someone siya na source of his inspiration. Hirit pa niya kay Papa Obet, “Siguro masasabi ko na she’s my everything.”

Maghihintay

Very involved si Ruru sa pagbuo ng kanta na ‘Maghihintay’ na isinulat ng composer na si Mark Atienza.

Ayon sa guwapong binata, nagbigay siya ng suggestion kung paano babaguhin ang areglo ng kanta na from ballad to alternative rock.

Saad niya, “Ang composer nito ay si Sir Mark Atienza pero nung time na nag-sign up ako under GMA Music, ito agad ‘yung pinarinig sa aking kanta.

“Tapos nung pinarinig itong kantang ito, ano siya, ballad. Sabi ko, ang ganda ng meaning ng song, pero feeling ko po, hindi po ako ‘yan.

“Hindi po kasi ako ma-ballad talaga. So nag-usap kami nila Sir Kedy na gawin siyang alternative rock.”

Muling panoorin ang full interview ni Ruru Madrid sa Sikat sa video below.

embed: