WATCH: Ano ang nagustuhan ni Angel Guardian sa kanyang new single na 'No Sound?' | GMANetwork.com - Radio - Articles

May bagong single ang actress/singer na si Angel Guardian under GMA Music.

WATCH: Ano ang nagustuhan ni Angel Guardian sa kanyang new single na "No Sound?"

By AEDRIANNE ACAR

Tapos na ang pag-hihintay ng mga Kabarangay na nag-aabang sa new single ng commercial model-turned-singer na si Angel Guardian. Ni-release na ang kanyang follow-up song sa first single niyang "Di Ko" under GMA Music.

Eksklusibong nakapanayam ni Papa Obet ang mestiza beauty sa Sikat program sa Barangay LS Forever, kung saan nagbahagi siya ng ilang detalye patungkol sa second single niyang “No Sound.”

EXCLUSIVE: Angel Guardian taps "Tala" songwriter for her new single under GMA Music

Ayon sa Kapuso singer, sobrang nakaka-relate daw siya sa single na ito na sinulat ng “Tala” songwriter na si Nica del Rosario.

“Ito po No Sound in-introduce po sa akin ng GMA Music and nagustuhan ko po siya kasi na-feel ko na ako itong song na ‘to. And nakaka-relate rin po ako sa lyrics.”

Tungkol saan ba ang “No Sound?”

Paliwanag ni Angel, “Kaya siya No Sound kasi story ito ng dalawang magkarelasyon, then parang natapos siya,

“And ‘yung girl nagmo-move on na siya dun sa guy. ‘Yun ‘yung takbo ng story.”

Catch Angel Guardian’s full interview with Papa Obet on Sikat in the video below.