WATCH: Garrett Bolden, target na manalo ng international award | GMANetwork.com - Radio - Articles

Pangarap ng ‘The Clash’ finalists na si Garrett Bolden na makapag-uwi ng international award

WATCH: Garrett Bolden, target na manalo ng international award

By AEDRIANNE ACAR

Nagbabaga pa rin ang pangarap ng The Clash finalist na si Garrett Bolden sa mga gusto niya maabot sa kanyang singing career.

Kahit nanalo siya recently bilang New Recording Artist of the Year sa 11th PMPC Star Awards for Music, determinado ang Kapuso singer na manalo ng awards in the future lalo na sa abroad.

Talk To Papa: Jong Madaliday at Garrett Bolden, overwhelmed sa success nila matapos ang 'The Clash'

Sa one-on-one interview ni Garrett sa Sikat ni Papa Obet, ikinuwento nito ang dream award niya.

Ani Garrett, “Aside from ma-recognize dito sa atin, ‘yung dream ko talaga manalo ng Grammys mga ganyan!”


Kamusta naman siya after manalo ng 11th PMPC Star Awards for Music?

Saad ng OPM singer, “Hanggang ngayon sabi ko nga parang hindi pa rin ako makapaniwala na na-awardan ako, kasi balak ko talaga either manalo o hindi, gusto ko um-attend,

“Siyempre first major na award-giving body na a-attend-an ko if ever. Gusto ko mapanood, gusto ko ma-experience, tapos ‘yun nga po nanalo pa.”

Dapat din asahan ng fans ni Garrett Bolden ang mga kanta na siya mismo ang nag-sulat na plano niya i-release this 2020.

Kuwento ni Garrett,  “Siyempre gusto ko pa po ng more projects and siyempre, actually nagsi-simula na ako mag-sulat ng mga sarili kong kanta.

“Itong year na ‘to parang gusto ko dedicate sa artistry ko, ‘yung paggawa ng kanta or to sing mga kanta na magugustuhan ng mga Pilipino.”