WATCH: Radio guesting ng SB19 sa Barangay LS, top trending sa Twitter | GMANetwork.com - Radio - Articles

SB19, nagbigay ng payo sa mga Kabarangay na single this coming Valentine’s Day. Ano kaya ito?

WATCH: Radio guesting ng SB19 sa Barangay LS, top trending sa Twitter

By AEDRIANNE ACAR

Nag-aalab ang suporta ng fans ng P-pop group na SB19 kahapon, February 11 na tumutok sa guesting nila sa Sikat program ni Papa Obet.

 

Bumaha ng tweets para sa grupo na binubuo nina Justin, Josh, Stell, Sejun, at Ken na nag-trend sa number one spot sa Twitter Philippines.

 

WATCH: Bagong single ng SB19 na "Alab," umabot na sa mahigit 800k views!

Sa one-on-one interview ng SB19 with Papa Obet, ibinahagi ni Sejun kung ano ibig sabihin ng pangalan ng kanilang grupo.

Aniya, “Yung SB19 po bale unang-una po sa lahat nanggaling po ‘yung initial ng SB sa company po namin, pero ‘yung company po namin ShowBT bale galing po siya sa Korea nag-branch out lang dito sa Philippines.

“And then gumawa lang po kami ng meaning doon po sa initials ng company namin, pinalitan namin ng Sound Break, kasi ‘yung main goal ng grupo namin is to break into the music scene here in the Philippines.”

Tinanong din ni Papa Obet ang mga miyembro ng SB19 kung ano ang maipapayo nila sa mga single at walang ka-date sa February 14.

Payo ni Sejun na maganda paglaanan ng oras ang inyong mga pamilya sa Valentine’s Day.

“I-appreciate lang nila ‘yung mga bagay-bagay. Hindi naman po kailangan ng may special someone na ka-date, puwede pong pamilya ganyan.”

Para naman kay Stell, naniniwala siya na mas maganda pagtuunan nang pansin ang sarili sa araw ng mga puso.

Paliwanag nito, “Kasi po mayrun po tayong minsan sinasabi siyempre na kailangan din po ng time sa sarili natin. Kung mamahalin po kasi natin ‘yung sarili natin magiging open tayo sa lahat. Kaya ngayong Valentine’s bakit po hindi mo ilabas ‘yung sarili mo.”

May kulit hirit naman si Josh kung bakit okay din na single sa February 14. Biro niya, “Okay lang yan tipid." 

“Pero kasi di ba para sa akin hindi naman importante na nagmamadali ka kasi Valentine’s [Day].  Puwede naman ‘yung sinasabi nga nila may mga ibang bagay na puwede ilabas...family or friends, mag-get together kayo. “

Panoorin ang buong interview ni Papa Obet’s sa SB19: