WATCH: Allen Ansay, bilib sa professionalism ni Glydel Mercado | GMANetwork.com - Radio - Articles

Allen Ansay, nagkuwento tungkol sa kanyang experience sa weekly-drama anthology na #MPK (Magpakailanman).

WATCH: Allen Ansay, bilib sa professionalism ni Glydel Mercado

By AEDRIANNE ACAR

Ipapamalas ng Starstruck cutie na si Allen Ansay ang galing niya sa drama sa pre-Lenten special ng number one weekly-drama anthology na #MPK (Magpakailanman).  

 

Allen Ansay, nagkuwento sa guesting niya sa weekly-drama anthology na #MPK (Magpakailanman)
Allen Ansay, nagkuwento sa guesting niya sa weekly-drama anthology na #MPK (Magpakailanman)

 

Makakasama niya sa episode na ito na pinamagatan na "A Mother's Faith (The Elizabeth Yncierto Story)" ang magaling na aktres na si Glydel Mercado at kapwa StarStruck finalist na si Abdul Raman.

WATCH: Dog lover na si Rita Daniela, hindi nahirapang makaeksena ang asong si Patras sa '#MPK'

Sa exclusive interview ni Allen sa Sikat program ni Papa Obet kahapon, February 19, ibinahagi niya ang kanyang experience nang maka-eksena niya ang versatile actress na si Glydel Mercado.

Wika niya, “Kinakabahan ako sobra noong una, pero napakagaling po niya (Glydel).”

“Noong una na-starstruck po talaga ako, kinakabahan po ako Papa Obet, pero noong mga nagdaan na namin na scenes napaka-comfortable po, napaka-professional (niya).”

Kukurot din daw sa puso ang kuwento nila sa The Elizabeth Yncierto Story, dahil masusubok dito ang tatag ng pananampalataya ng karakter ni Glydel na si Beth.  

Kuwento ni Allen, “Ito po kasing story parang ‘yung nanay po namin, simula po noong dalaga po siya hanggang nung pinanganak na kami, parang ang lakas po ng pananalig niya sa Diyos.

“Basta ang pagsubok dito parang kaming magkakapatid may isa-isa kaming pagsubok na pinagdaanan.”

Itinanghal na first StarStruck prince si Allen sa seventh season ng ‘StarStruck’ last year.