Pauline Mendoza, nahirapan bumitaw sa eksena nila ni Rita Avila sa '#MPK' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Nag-promote sa ‘Bidang-bida sa Dobol B’ sina Elijah Alejo at Pauline Mendoza ng kanilang coming episode sa ‘#MPK.’

Pauline Mendoza, nahirapan bumitaw sa eksena nila ni Rita Avila sa '#MPK'

By AEDRIANNE ACAR

Makadurog puso ang episode ng #MPK (Magpakailanman) sa darating na Sabado, March 7 dahil bibida sina Elijah Alejo at Pauline Mendoza sa kuwento ng 'The Abandoned Sisters.'

Gaganap si Pauline bilang si Madel at mga kapatid naman niya dito sina Carla at Mylene na bibigyang buhay nina Therese Malvar at Elijah Alejo.

Sa naging guesting nina Pauline at Elijah sa Bidang-bida sa Dobol B hosted by Tootie, Janna Chuchu at Mega Unciano nitong Huwebes, March 5, nagkuwento ang dalawa tungkol sa episode nila sa #MPK.

Ani Elijah, “Tungkol po ito sa relationship ng magkakapatid tapos sa bond din ng family,”

Magpakailanman presents "The Abandoned Sisters"

Dagdag naman ni Pauline, kaabang-abang ang mangyayari sa karakter niya. Paliwanag niya, "'’Yung mga pinagdaanan namin dito talagang inapi talaga kami, lalo na ako ‘yung panganay mayroon akong mga pinagdaanan na traumatic experience talaga at saka kakaibang level. Marami siyang pinagdaanan kaya abangan ninyo sa Sabado.”

Ano naman kaya ang tumatak na eksena na ginawa nila sa ‘The Abandoned Sisters?’

Para kay Pauline, hindi daw niya makakalimutan ang eksena nila ni Rita Avila na gumanap na nanay nila ni Elijah.

“Siguro ‘yung confrontation scene ko kay Ms. Rita Avila. Siya po ‘yung nanay namin.

“Medyo nahirapan din ako bumitaw doon sa eksena na ‘yun e.” 

Sumang-ayon din si Elijah at sinabi, “Umiiyak pa rin po siya. Cut na [gesture crying]”

Catch the full interview of Elijah Alejo and Pauline Mendoza sa ‘Bidang-bida sa Dobol B.’