Bianca Umali, hindi nagpatumpik-tumpik nang bigyan ng opportunity na mag-record ng GMA Music | GMANetwork.com - Radio - Articles

Mag-promote ng kanyang debut single under GMA Music na “Kahit Kailan” si Bianca Umali sa 'Sikat.'

Bianca Umali, hindi nagpatumpik-tumpik nang bigyan ng opportunity na mag-record ng GMA Music

By AEDRIANNE ACAR

Matapos niya tayong pabilibin bilang si Sahaya, ipapakita naman ng GMA Artist Center beauty na si Bianca Umali ang galing niya sa pagkanta sa kanyang debut single under GMA Music na “Kahit Kailan.”

 

Bianca Umali
Bianca Umali

 

Sa panayam niya kay Papa Obet sa Sikat kahapon, March 10, ibinahagi ng aktres kung sino ang nag-compose ng kanyang first single.

Ani Bianca, “Ang aking very first single titled ‘Kahit Kailan’ is composed of course by Mr. Paco Arespacochaga, and actually now available sa Spotify, Apples Music, sa YouTube Music and other digital music stores worldwide.”

Hindi din daw makapaniwala ang Kapuso actress na magiging singer siya, kaya buong-puso niyang tinanggap ang opportunity na mag-record nang bigyan ng pagkakataon ng GMA Music.

Paliwanag niya, “Honestly tawang tawa ako kasi first time ko marinig ‘yung sarili ko na ganito pala ‘yung tunog ng boses ko.

“And naging dream ko somehow na magkaroon ng kanta or kumanta, pero hindi siya naging sobrang goal for me na kailangan ko na i-achieve.

“Pero nung binigay sa akin ng GMA Music ‘yung opportunity, siyempre masaya na mayroon akong ginawang iba,” saad ng Kapuso star na nabigyan ng break sa Tropang Potchi.   

Tinanong din si Bianca ni Papa Obet na kung magsusulat siya ng sarili niyang kanta ay tungkol saan kaya ito.

Kuwento ni Bianca, “Siguro tungkol sa pagiging masaya, tungkol sa pagiging kuntento. [Pagiging] positive sa buhay.”

Catch the full interview of Sikat in the video below.

 

Barbie Forteza to birthday girl Bianca Umali: "Basta we're all here for you"

Bianca Umali receives sweet birthday greetings from Ruru Madrid and fellow celebs