Jeric Gonzales nagpasalamat sa pagkakataong i-revive ang kantang 'Line To Heaven' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Have you heard Jeric Gonzales’s version of ‘Line To Heaven?

Jeric Gonzales nagpasalamat sa pagkakataong i-revive ang kantang 'Line To Heaven'

By AEDRIANNE ACAR

Napapanood niyo siya bilang Jio sa high-rating afternoon soap na Magkaagaw, pero may tinatago din galing sa pagkanta ang Kapuso actor na si Jeric Gonzales.  

LOOK: Jeric Gonzales releases new single 'Taksil' under GMA Music

Hindi nakapagtataka na kumasa sa challenge si Jeric na i-revive ang kanta ng bandang Introvoys.

Sa panayam ng actor/singer with Papa Obet sa Sikat, ibinahagi niya ang kanyang pakiramdam nang mabigyan ng pagkakataon na gumawa ng ibang version ang kanta na ‘Line To Heaven.’

Wika niya, “Itong Line To Heaven it’s a revival siyempre alam naman natin from Introvoys, isang sikat na banda way back noong 90’s.

“Binigyan ko siya ng bagong rendition. Sobrang thankful ako na ako ‘yung nabigyan ng opportunity na kumanta nito.” Saad ni Jeric na dating miyembro ng boy group na 3logy.  

Dapat din daw tutukan ng mga Kabarangay ang mas tumitinding eksena sa afternoon soap na pinagbibidahan nila ng ka-loveteam niyang si Klea Pineda na Magkaagaw.

Mahuhuli na kaya ni Clarisse ang kabit ni Jio?

Tugon ni Jeric, “Madaming-madami pa kasi... abangan natin siyempre kung mahuhuli ni Clarisse (Klea Pineda) si Jio (Jeric Gonzales) sa pangloloko niya.

“Kung sino ba ‘yung babae niya, alam naman niya the whole time na niloloko siya pero hindi niya alam kung sino  ‘yung kalaban niya.”

Catch the full interview of Jeric Gonzales on Sikat with Papa Obet.