Award-winning anchor Arnold Clavio, buong-puso ang pasasalamat sa mga bumubuo ng 'Dobol B sa News TV' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Sa pagdiriwang ng ika-3 anibersaryo ng 'Dobol B sa News TV,' nagbigay-pugay si Arnold Clavio sa mga bumubuo nito.

Award-winning anchor Arnold Clavio, buong-puso ang pasasalamat sa mga bumubuo ng 'Dobol B sa News TV'

Sa tinatamasang tagumpay ng 'Dobol B sa News TV' na ngayon ay nagdiriwang ng kanilang third anniversary ngayong buwan, hindi nakalimutan pasalamatan ng GMA News pillar na si Arnold Clavio ang mga tao na parte ng kanilang day-to-day operations. 

'Dobol B sa News TV' patuloy ang serbisyong totoo sa ika-3 anibersaryo

Sa Instagram post ng highly-respected broadcaster, sinigurado nito na mag-"Thank you" sa mga taong hindi nakikita sa harap ng kamera na susi para makapaghatid sila ng "serbisyong totoo" sa mga Kapuso. 

Wika ni Arnold, "Happy 3rd Year Anniversary sa @dzbb594 !!! To all the people behind our operations, mabuhay at ipagpatuloy natin ang ating serbisyong totoo. Para sa inyong lahat ito mga kapuso. Mga ‘iGan, stay safe, stay home!!! "



Ngayong humaharap ang bansa sa matinding pagsubok dulot ng novel coronavirus, ugaling tumutok sa higit na mas "pinagkakatiwalaan" na special coverage ng COVID-19 pandemic sa 'Dobol B sa News TV.'