SIKAT: Jeric Gonzales, nag-focus sa music habang naka-quarantine | GMANetwork.com - Radio - Articles

Naging productive ang Kapuso actor-singer na si Jeric Gonzales habang may enhanced community quarantine. 

SIKAT: Jeric Gonzales, nag-focus sa music habang naka-quarantine

By AEDRIANNE ACAR

Hindi mawala ang ngiti ng actor-singer na si Jeric Gonzales dahil finally ay lumabas na ang kanyang 'Line To Heaven' music video under GMA Music. 

Jeric Gonzales nagpasalamat sa pagkakataong i-revive ang kantang 'Line To Heaven'

EXCLUSIVE: Jeric Gonzales admits losing weight and joining the K-drama craze amid quarantine

Ni-revive ni Jeric ang sikat na kantang ito ng Introvoys noong '90s. 

Sa panayam kay Jeric sa Sikat program ni Papa Obet, sinabi ng Kapuso hottie na "dream come true" ang naturang project with GMA Music. 

Paliwanag niya, "Masayang-masaya Papa Obet, kasi dream come true sa akin magkaroon ng isang single and then isang music video (or) performance video and na-surprise ako na 'yun pa 'yung kanta na kinanta ko.

"Alam ko sikat na sikat noong '90s. It's a dream come true talaga para sa akin." 

 



Ibinahagi rin ni Jeric na habang naka-lockdown siya sa bahay ay naging abala siya sa pagko-compose ng original music niya. 

Wika niya, "Ngayong quarantine wala tayong ginagawa kasi lockdown. Ito 'yung ginagawa ko ngayon. Music talaga 'yung focus ko,everyday nagta-try ako sumulat and then gumawa ng music, ng melody na pagkatapos po ng lockdown baka sakali makagawa ako ng kanta."

Catch the full interview of Jeric Gonzales on Sikat.