SIKAT: Psalms David, naiyak nang i-release ang GMA Music single na 'Di Na Magtatagal' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Hindi raw napigilan ni Psalms David ang maiyak nang una niyang marinig ang "Di Na Magtatagal" matapos itong i-release ng GMA Music. 

SIKAT: Psalms David, naiyak nang i-release ang GMA Music single na "Di Na Magtatagal"

By AEDRIANNE ACAR

Natupad ang pangarap ng The Clash season one finalist na si Psalms David nang ma-release ang single niyang "Di Na Magtatagal" under GMA Music

Sa chikahan ni Psalms with Sikat host Papa Obet kahapon, May 29, umamin ang promising Kapuso singer na naiyak siya nang mailabas ang kantang ito.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Psalms David ???? (@impsalmsdavid) on


Saad niya, "Nung una ko po siya narinig noong naka-release na hindi ko napigilan umiyak.

"Sobrang fulfilled nung feeling , 'tapos sobrang blessed kasi matagal ko ng prayer 'yun e.

"'Tapos eventually ayun dininig na ni Lord."

Ayon pa sa The Clash contestant, agad niyang nagustuhan ang kantang "Di Na Magtatagal" noong una daw itong pinarinig sa kanya. 

Kuwento ni Psalms, "Ang sumulat po nung 'Di Na Magtatagal is Sir. Moses po. 

"Actually, matagal na  niya po na nasulat yan and nakita ko nga po 'yung first video na ginamit niya ata sa church 'yun.

"'Tapos sobrang blessed ko po nung pinarinig sa akin, pinarinig sa akin dalawang kanta 'yun agad 'yung nagustuhan po naming lahat. Nag-agree po kami lahat na 'yun ang gagamitin."

Balikan ang full interview sa Sikat ni Psalms David sa video below. 

SIKAT: Jeric Gonzales, nag-focus sa music habang naka-quarantine

Jeric Gonzales nagpasalamat sa pagkakataong i-revive ang kantang 'Line To Heaven'