News personalities at netizens, pinusuan ang 'Savage Love' dance cover nina Mike Enriquez at Arnold Clavio | GMANetwork.com - Radio - Articles

GMA News pillars Mike Enriquez at Arnold Clavio, humataw sa kanta na ‘Savage Love’ ni Jason Derulo. Panoorin dito!

News personalities at netizens, pinusuan ang 'Savage Love' dance cover nina Mike Enriquez at Arnold Clavio

By AEDRIANNE ACAR

Madalas natin silang  napapanood na seryoso na tinatalakay ang maiinit na balita at napapanahong isyu sa ating bansa.

Pero sa isang video na inupload ng award-winning DZBB anchor na si Arnold Clavio sa Instagram, ipinasilip niya ang dance cover nila ng GMA News pillar na si Mike Enriquez habang humahataw sa hit song ni Jason Derulo na ‘Savage Love.’

Sa post ni Igan, handog nila ang kulit dance performance para sa lahat ng mga frontliner na matapang na humaharap sa panganib na dulot ng COVID-19.

Sabi ng Kapuso anchor, “Salamat ama !!! Para sa mga frontliner. #walangiwanan #mikeenriquez @24oras.”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Salamat ama !!! Para sa mga frontliner. #walangiwanan #mikeenriquez @24oras

Isang post na ibinahagi ni AkosiiGan???? (@akosiigan) noong

 

Bumuhos naman ang positive comments mula sa news personalities at netizens sa nakaka-good vibes na dance cover nina Mike at Arnold.

 

 

Arnold Clavio expresses gratitude towards frontliners

Arnold Clavio, pinaalalahan ang mga magulang na bigyan proteksyon ang kanilang anak sa tuwing lalabas ng bahay

Arnold Clavio, taos-puso ang pasasalamat sa mga nag-donate ng mga PPE sa iGAN foundation