Papa Dudut, may pasilip sa pinapagawang bahay sa QC | GMANetwork.com - Radio - Articles

Proud na ipinakita ng award-winning Barangay LS Forever host na si Papa Dudut ang pinapagawa niyang bahay, na bunga ng kanyang pagta-trabaho sa ilang taon niya sa radio and TV industry.

Papa Dudut, may pasilip sa pinapagawang bahay sa QC

By AEDRIANNE ACAR

Unti-unti nang nagbubunga ang lahat ng hirap, sakriprisyo, at pagtitiyaga ni "Mr. Love Stories" na si Papa Dudut.

Matapos ang isa’t kalahating dekada niya sa broadcast industry ay matutupad na niya ang pangarap na magpatayo ng bahay.

 

New home ni Papa Dudut

Screenshot taken from papadudut.com 

Sa pamamagitan ng post niya sa papadudut.com, ipinasilip ng DJ and businessman ang pinapagawa niyang bahay sa Fairview, Quezon City, 

Sinabi ng award-winning radio host na “perfect timing” na ito para sa kanyang dream house.

Aniya, “Actually, marami pa akong pangarap na gustong abutin lalung-lalo na sa pagnenegosyo. 

"Kelangan lang focus ka at may vision ka sa mga gusto mong makamit sa buhay, example ang bahay na ito 3 years in the making eto, kelangan ko muna magnegosyo, talagang in God’s perfect time”

Kamakailan lang nanalo si Papa Dudut at Barangay LS Forever sa katatapos pa lamang na 2020 Gandingan Awards.

Hinirang na Most Development Oriented FM station ang Barangay LS at nasungkit din ng Barangay Love Stories ang tropeo for Most Development Oriented FM Program.

Nakatangganp din ng “special citation” si Papa Dudut sa nasabing award-giving body.

Samantala, noong Enero, naiuwi naman niya ang Most Outstanding Male FM DJ of the Year mula sa 3rd Gawad Lasallianeta, na dinaos sa De La Salle Araneta University Institutional Activity Center sa Malabon City.

Kilig pa more!: Memorable love story of Papa Dudut in 'Barangay Love Stories'

Mike Enriquez, Arnold Clavio, Papa Dudut win big at the 3rd Gawad Lasallianeta