Connie Sison, hinimok ang followers na pagtuunan ng pansin ang pag-eehersisyo | GMANetwork.com - Radio - Articles

Health is wealth! Ito ang binigyan-diin ng TV and radio new anchor na si Connie Sison sa kanyang followers sa social media.

Connie Sison, hinimok ang followers na pagtuunan ng pansin ang pag-eehersisyo

By AEDRIANNE ACAR

Hindi lamang makabuluhang impormasyon tungkol sa kalusugan ang hatid ng dzBB radio host na si Connie Sison sa kanyang Saturday program na Pinoy MD sa Dobol B, isinusulong din niya ang pag-e-exercise sa followers niya sa social media. 

Sa Instagram video ni Connie, ibinahagi niya ang ilang arm exercises na ginagawa niya sa kanyang tahanan para maenganyo ang mga Kapuso to live an active lifestyle.

Aminado ang batiking TV/radio broadcaster na problem area niya ito.

Saad niya, “Here are some of my regular arm exercises that I hope to share with all of you!

"Not that I am an expert, actually hirap na hirap akong paliitin ang mga braso ko.”

“But I am trying my best everyday.”

“These exercises I learned from my Coach and so I want to share them with you—especially if your arms are your problem area too.”

Bago matapos ang kanyang post, binigyan-diin niya sa mga tao na ugaliing mag-exercise para mas maging healthy at bonus na lang daw kung ma-achieve mo sexy bod na pinapangarap mo.

“Also, just wanted to encourage everyone to find time to workout to become healthier. Let’s do it for our health. Bonus nalang pag sume-sexy pa tayo.”

 

Marami naman ang natuwa sa mensahe na ipinaabot ni Connie Sison tungkol sa pagiging fit lalo na ngayong may pandemya.

 

Naging inspirasyon sa fans ang sa exercise video ni Connie Sison

From Connie Sison’s Instagram account

At para mas maging informed kayo tungkol sa mga isyu tungkol sa kalusugan, huwag kakalimutan na manood ng Pinoy MD tuwing Sabado, 10:00 a.m., sa Dobol B sa News TV!

READ: Connie Sison's heartfelt birthday message to late dad

Silipin ang kalye-serye inspired costume ng mga 'Unang Hirit' hosts