Papa Dudut, proud sa kanyang big project for 2020 | GMANetwork.com - Radio - Articles

Mahirap man sitwasyon ngayong nasa gitna tayo ng pandemic, masigasig si Papa Dudut na tapusin ang pinapagawa niyang bagong bahay!

Papa Dudut, proud sa kanyang big project for 2020

By AEDRIANNE ACAR

Malapit na matapos ang dream project ni “Mr Love Stories” Papa Dudut this 2020!

Sa Instagram post ng award-winning radio host, ipinasilip nito recently ang update sa pinapagawa niyang bagong bahay. 

 

Source: Papa Dudut’s (from left) Instagram account

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

2020 Project ????

Isang post na ibinahagi ni Papa Dudut (@papadudut) noong

 

Napanood din kahapon, September 22, ang Barangay LS disk jock sa hit segment na ‘Bawal Judgmental’ ng Eat Bulaga.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Thank u @eatbulaga1979 for inviting us radio djs :)

Isang post na ibinahagi ni Papa Dudut (@papadudut) noong

 

Dito nakasama niya ang ilan sa mga seasoned radio announcer bilang choices sa Bawal Judgmental.

Sa panayam niya with Dabarkad Paolo Ballesteros at Ryan Agoncillo, ibinahagi din niya ang ilang napansin niyang pagbabago sa paglipas ng taon sa trabaho niya bilang isang DJ.

Kuwento niya, “Nag-iba na 'yung radio ngayon. Before, songs ang kailangan, para mag-number one ka.

“Ngayon, ang songs gagamitin mo lang to enhance the show. Kasi, magbabasa ka ng love stories, gagamitan mo ng mga kanta nakaka in love.

“Mas lalong kikiligin 'yung mga nakikinig sa'yo.”

Related content:

Papa Dudut, may pasilip sa pinapagawang bahay sa QC