Hannah Precillas, break muna sa mga birit songs with her new single | GMANetwork.com - Radio - Articles

Handog ng GMA Music singer na si Hannah Precillas ang bagong single nito na ‘Sabi Ko Na Nga Ba."

Hannah Precillas, break muna sa mga birit songs with her new single

By AEDRIANNE ACAR

Time out muna ang Kapuso singing sensation at GMA Music talent na si Hannah Precillas sa mga birit at hugot songs with her new single.

Tumatak man ang boses ni Hannah sa mga paborito ninyong teleserye sa Kapuso Network, this time haharanahin naman niya kayo with her song, ang "Sabi Ko Na Nga Ba."

Sa exclusive interview ng Barangay LS Online sa OPM artist, ibinahagi nito kay Papa Obet kung bakit excited siya for this single under her record label.

Paliwanag ng Bet ng Bayan champion, “Maraming makaka-relate talaga dito, as in! Tapos ibang-iba siya, kasi when they say Hannah Precillas, automatic na papasok sa isip nila is ‘birit song na naman ‘to’.”

“Kasi 'pag hinanap mo ‘yung mga videos ko sa YouTube ganun lagi ‘yung napapanood nila sa akin, pero this one, ibang-iba siya sa usual genre ko na kinakanta.

“And masarap sa feeling, kasi natutunan ko ‘to last year e, noong nag-Indonesia ako.”

Nagbalik-tanaw din si Hannah sa pagsali niya sa Dangdut Academy Asia  last 2019 na malaki ang naitulong para mas ma-develop siya bilang performer, dahil umalis siya sa comfort zone niya.

Aniya, “I joined a singing contest in Indonesia—Dangdut Academy Asia 5 and first time nang Philippines na sumali. Tapos doon ako nag-start na matuto. Sabi ko sa sarili ko na wala naman masama kung mag-try ako ng ibang genre. Na lumabas ako doon sa comfort zone ko na nakasanayan ko lagi na lang ganun.”

Kahit stuck sa bahay ngayong may pandemya, busy pa rin si Hannah sa paghasa ng talent niya.

Kuwento niya kay DJ Obet na tinutukan niya ang paggawa niya ng cover songs.

"Naghahanap palagi ng pagkakabalahan, mga ganun, para lang malibang, kasi ang ginagawa ko lang these days minsan sasamahan ko si mama sa dialysis niya.

“’Yun lang labas ko sa bahay, tapos 'pag nandito [lang sa bahay] cover, mga online platforms na puwedeng gumawa ng mga cover songs.”

Catch Hannah Precilla’s full interview with Papa Obet in the video below.

embed:

RELATED CONTENT:

LOOK: Powerhouse Kapuso singers

WATCH: Hannah Precillas performs 'Kambal, Karibal' theme song on 'Spotlight Music Sessions'