Connie Sison, nakita na ang bunga ng exercise | GMANetwork.com - Radio - Articles

Fitspiration para sa marami ang ‘Pinoy MD sa Dobol B’ host na si Connie Sison.

Connie Sison, nakita na ang bunga ng exercise

By AEDRIANNE ACAR

Busy man sa pag-aasikaso sa kanyang pamilya at trabaho bilang host sa Unang Hirit at Super Radyo dzBB, hindi nakakalimutan ni Connie Sison na pagtuunan ng pansin ang kanyang page-ehersisyo.

Matatandaan na sa post niya noong September 15, hinimok niya ang kanyang followers sa Instagram na magbigay ng oras sa pagwo-workout.

Aniya, “Also, just wanted to encourage everyone to find time to workout to become healthier. Let’s do it for our health. Bonus na lang 'pag sume-sexy pa tayo.”

Kaya hindi na nakapagtataka nang proud na sabihin ng Kapuso TV-radio anchor na mas lumiit na ang kanyang pangangatawan at nasa size “small” na siya. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Size S achieved ?????? Thank you Lord. #swipeleft ???? Next Target: XS

A post shared by Connie Sison (@connie_sison) on


Umani ng papuri si Connie mula sa netizens at katrabaho niya sa GMA News at Public Affairs sa kanyang dedication niya para maging fit. 

 

 

Kung naghahanap kayo ng makabuluhang diskusyon tungkol sa kalusugan, huwag kalimutan na manood ng Pinoy MD sa Dobol B, tuwing Sabado ng umaga, 10 A.M. sa Dobol B sa News TV!

RELATED CONTENT:

READ: Connie Sison's heartfelt birthday message to late dad

Silipin ang kalye-serye inspired costume ng mga 'Unang Hirit' hosts