#NinongNgBayan: Arnold Clavio, namigay ng maagang pamasko sa cameramen at crew ng GMA | GMANetwork.com - Radio - Articles

“Kahit may pandemic, tuloy ang pangakong pamasko ng Ninong ng Bayan para sa mga bayani naming frontliner... Maraming salamat sa inyong serbisyo. Isang munting bagay para sa inyong dakilang serbisyo. Stay safe. Stay healthy." - Arnold Clavio

#NinongNgBayan: Arnold Clavio, namigay ng maagang pamasko sa cameramen at crew ng GMA

By AEDRIANNE ACAR

Santa Arnold is coming to town!

Ito ang peg ng highly-respected TV-radio host na si Arnold Clavio na nagbigay ng pamasko sa mga hardworking cameraman, guard at audio men sa compound ng Kapuso Network.

Sa Instagram video na ibinahagi ni Arnold, makikita na tuwang-tuwa ang mga Kapuso employee na nakatanggap ng aguinaldo sa GMA News Pillar.

Ayon sa kanya, ito ay simpleng pasasalamat niya sa mga ito na walang sawa nagta-trabaho sa gitna ng pendemya. 

Aniya, “Kahit may pandemic, tuloy ang pangakong pamasko ng Ninong ng Bayan para sa mga bayani naming frontliner - cameraman (tv and remote), asst. cameraman, mga guard, audio men, engineering/technical people at iba pang staff. Maraming salamat sa inyong serbisyo. Isang munting bagay para sa inyong dakilang serbisyo. Stay safe. Stay healthy.

“Merry Christmas!”

 

Sunod-sunod naman nag-komento ang ibang katrabaho ni Arnold Clavio sa GMA-7 at humirit ng pamasko sa kanya.

 

 

 

Maraming dapat ipagpasalamat ang TV/radio host ngayong taon kasama na ang mga pagkilalang natanggap mula sa ibaa't ibang award-giving bodies. Kinilala ngayong 2020 ang husay ni Arnold Clavio bilang isang news personality at naiuwi niya ang Most Outstanding Radio Broadcaster sa 3rd Gawad Lasallianeta. Wagi rin siya sa 14th UPLB Isko't Iska Multi-media Awards nang itanghal sila ni Pia Arcangel bilang Best News Anchors para sa late-night newscast program na Saksi.

Related content:

Arnold Clavio expresses gratitude towards frontliners

WATCH: Arnold Clavio, itinuturing na second family ang 'Unang Hirit' barkada

Award-winning anchor Arnold Clavio, buong-puso ang pasasalamat sa mga bumubuo ng 'Dobol B sa News TV'