Barangay LS DJ Papa Dudut, paano nagagawang zero problem ang love life? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Muling naging ng 'Eat Bulaga' "Bawal Judgmental' ang award-winning Kapuso DJ na si Papa Dudut.  Totoo kaya na mayroon din siyang love problems tulad ng mga letter senders niya?

Barangay LS DJ Papa Dudut, paano nagagawang zero problem ang love life?

By AEDRIANNE ACAR

Paano nagbibigay ng love advice sa kanyang mga letter sender ang award-winning Barangay Love Stories host na si Papa Dudut?

Sa episode ng "Bawal Judgmental" ng Eat Bulaga ngayong Miyerkules, February 24, kung saan isa siya sa mga choices, binigyan-diin ni Papa Dudut na ayaw niya magdikta sa kanyang listeners kung ano dapat nila gawin.

Kuwento niya kina Jose Manalo at Wally Bayola,“Para sa akin, ang paglo-love advice akala nila, DJ ang dapat magsabi kung ano gagawin.

"I just let the listener na ma-realize nila kung ano ‘yung sa tingin nila ang masasama at kung ano ‘yung nasa puso nila, dapat ‘yun ang sundin nila.

“Pero hindi mo sila pinu-push or tinuturuan na ito ang gawin nila, ‘no,’

Dagdag niya, “Kasi, ‘yung isa sa pinakakinakatakot ko bilang announcer, baka balikan ako nung listener na, ‘Papa Dudut, kasi ginawa ko ‘yung advice mo, e, tapos mali’.”

“Sira ang credibility ko nun, so mas maganda sila mag-decide.”

 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Papa Dudut (@papadudut)

 

Kung madalas na nakakabasa siya ng mga love problems, taliwas naman ito sa kanyang lovelife, dahil going strong na sila ng kanyang girlfriend na si Mej Angeles o Jem.

Six years na ang relasyon nina Papa Dudut at Jen, at pagbibida pa ng Kapuso DJ, wala raw silang masyadong nagiging problema ni Jem sa kanilang relasyon.

Wika nito, “Alam mo sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit hindi nangyayari sa amin ni girlfriend yan, ni Jem.

“Kasi, I always see to it na kung ano ‘yung sa tingin ko makakasakit sa kanya, hindi ko na gagawin.

“At tsaka, marami ako natutunan din dun sa mga nababasa ko na love stories na ina-apply ko din sa buhay ko.”

Stalker experience

Second-time na ito ni Papa Dudut sa Bawal Judgmental, dahil naging choice na din siya noong September 2020.

Sa naturang episode ng longest-running noontime show, naikuwento niya na nagkaroon siya ng stalker na isa sa pinaka-memorable experience sa kanyang buhay.

Pagbabalik-tanaw ni Papa Dudut, “Ang pinaka hindi ko makakalimutan dumating sa buhay ko bilang radio announcer is mayrun akong listener na sinundan ako sa bahay.

“Tapos niyan ipinagkalat niya sa mga kapitbahay ko na kami 'daw.'”

“Takot na takot ako noon, e, dito sa Metro Manila bilang taga probinsya ako at dito sa Metro Manila nangyari 'yun wala pa akong sasakyan… Stalker talaga siya, alam niya lahat sa akin.”

Bukod sa pagiging busy sa kanyang trabaho bilang radio announcer sa Barangay LS Forever, nakatutok din si Papa Dudut sa pagpapagawa ng kanyang brand-new home.

Silipin ang naipundar ng multi-awarded disk jock sa gallery na ito.