Jeremiah Tiangco, nanibago sa pagkanta nang magbalik sa 'All-Out Sundays' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Sa panayam ni Jeremiah Tiango kay Papa Obet sa Barangay LS Online, ikinuwento ng ‘The Clash’ Season 2 grand champion sa naging experience nang muling mag-perform sa ‘All-Out Sundays.’

Jeremiah Tiangco, nanibago sa pagkanta nang magbalik sa 'All-Out Sundays'

By AEDRIANNE ACAR

Malaki ang naging epekto ng COVID-19 pandemic sa mga performer tulad na lang ng The Clash Season 2 grand champion na si Jeremiah Tiangco.

Sa exclusive interview ni Papa Obet kay Jeremiah sa Barangay LS Online, isa sa napag-usapan nila ang pagkanta muli niya sa weekly musical-variety show na All-Out Sundays.

 

Photo taken from Barangay LS Forever YouTube

 

Ayon sa GMA Music talent na nakapaninibago na sumabak uli sa pagkanta sa gitna ng pandemya.

Paliwanag niya, “Knowing na matagal na kami nagpe-perform Papa Obet sa stage noh, pero nung unang salta ko sa stage, sabi ko ‘Hala! Nakakapanibago pala,’

“Feeling ko magko-compete ulit ako, buti na lang nandiyan po sila Christian Bautista, nandiyan sila Kuya Garrett [Bolden] na, 'Okay gawin natin ‘to, relax lang tayo. Matagal na natin ginagawa ito, let’s enjoy.'”

Dagdag ni Jeremiah, “Let’s celebrate parang throughout na ilang months na tengga tayo, [now] work-work na!

“Sobrang overwhelming, sobrang grabe.  Masarap mag-perform, nakaka-miss.”

 

Puwede nang ma-enjoy ang first-debut single ni Jeremiah Tiangco sa GMA Music na "Titulo" sa lahat ng digital streaming services tulad na lang ng Spotify, Apple Music, at YouTube Music.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by GMA Music (@gmamusic)

 

Bago tanghaling grand winner ng season two ng all-original Kapuso singing competition na The Clash, nakalaban ni Jeremiah ang ilan sa pinakamagagaling na up and coming performers ng bansa.

Heto at balikan ang top five finalists ng The Clash Season 2 sa gallery below!

Related content:

Golden Cañedo, natuto mas maging independent sa gitna ng pandemic

Paano napasok sa mundo ng pagkanta ang dating extra na si John Gabriel?