Mga dapat abangan ngayong March 27 sa Barangay LS 97.1 FM | GMANetwork.com - Radio - Articles

Mga Kabarangay, humanda sa isang nakakabilib at nakakakilig na weekend sa Barangay LS 97.1.

Mga dapat abangan ngayong March 27 sa Barangay LS 97.1 FM

By RACQUEL QUIETA

Mga Kabarangay, tuloy-tuloy lang ang pagtutok sa nangunguna pa ring FM radio station sa Mega Manila, ang Barangay LS 97.1 FM, dahil kilig at nakakamanghang talento ang hatid namin sa inyo.

Unang nagpamalas ng kakaibang talento sa pag-awit si Jessica Villarubin nang manalo siya bilang Grand Champion sa Season 3 ng original reality singing search ng Kapuso network na ‘The Clash.’

At kamakailan ay muli siyang pinag-usapan dahil sa nakaka-inspire niyang beauty transformation.

 

At ngayong Sabado, March 27, magpapasikat nang live si Jessica Villarubin sa programang Sikat, hosted by Papa Obet, pagsapit ng alas-9 ng gabi.

SIKAT: The Clash 3 grand champion Jessica Villarubin ang magpapasikat ngayong Sabado, March 27, 9PM sa SIKAT hosted by Papaobet. Abangan! #JessicaVillarubinOnSikat

Posted by BARANGAY LS 97.1FM on Thursday, March 25, 2021

 

At kung kilig naman ang hanap mo, ma-a-achieve mo rin ‘yan sa Baranagay LS 97.1 simula ngayong Sabado, March 27, dahil mapapakinggan mo na nang exclusive ang kantang “Two of A Kind.”

Ang nasabing kanta ay inawit ng isa sa mga pinaka-nakakakilig na Kapuso love teams ngayon, ang stars ng ‘The Lost Recipe’ na sina Kelvin Miranda at Mikee Quintos.

 

Kaya kung kinikilig ka sa characters nila bilang Chef Harvey at Chef Apple, tiyak mas kikiligin ka ‘pag narinig mo ang kanilang duet na ‘Two of A Kind” sa Baranagay LS 97.1 simula March 27 hanggang April 6.

Simula Apirl 7, magiging available na for streaming ang “Two of A Kind” worldwide sa mga digital stores.

Super exciting, mga Kabarangay, ‘di ba? Kaya tuloy-tuloy lang tumutok sa Barangay LS 97.1 Forever!

RELATED:

GMA's flagship AM, FM radio stations continue to dominate Mega Manila