Kumusta na si Jessica Villarubin matapos ang kanyang beauty transformation kay Vicki Belo? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Ano-ano ang pagbabagong nangyari kay ‘The Clash’ Season 3 grand champion Jessica Villarubin matapos ang kanyang beauty enhancement?

Kumusta na si Jessica Villarubin matapos ang kanyang beauty transformation kay Vicki Belo?

By AEDRIANNE ACAR

Full of confidence na humarap sa Sikat ni Papa Obet sa Barangay LS Forever ang The Clash Season 3 grand winner na si Jessica Villarubin.

Kitang-kita ang big transformation ng Kapuso diva matapos sumailalim sa beauty enhancement with cosmetic surgeon Dra. Vicki Belo.

Game na tinalakay ni Jessica with Papa Obet ang mga pagbabago sa sarili niya matapos ang procedure.

Saad niya, “Ako naman po, I’m very open naman po sa enhancement po.

“Hindi ko naman po siya binago talaga na parang naging proud din po ako na nagpa-enhance ako.”

Dagdag ni Jessica, “Kasi dati, naisip ko na siya, gusto ko na gawin like ‘yung pag-enhance sa sarili ko, pero dati hindi pa talaga 100%.

“Pero ngayon, gusto ko na talaga, kasi I really love myself, so self-love din and right now po I’m more confident and happy.”

May mensahe din ang Kapuso singer kay Dra. Belo sa warm support nito sa kanya.

Wika ni Jessica, “Ngayon po, parang 'pag nakatungtong ako sa stage, ibang iba ‘yung nararamdaman ko. Masaya po ako sa naging resulta ng enhancement ko.

“Nagpapasalamat din po ako kay Dra. Vicki Belo po sa pagsuporta niya po sa akin sa journey ko na ito.”

 

 

Nakakamangha din ang pagiging positibo ng pananaw ni Jessica Villarubin kahit napag-usapan ang mga basher na pumupuna sa kanya.

Ayon sa Kapuso singer, bata pa lang siya ay nakakaranas na siya ng pambu-bully, pero hindi na daw niya hinahayaan na maapektuhan siya ng mga sinasabi ng iba tungkol sa kanyang hitsura.

Bakit kaya?

Paliwanag niya kay Papa Obet, “Growing up nabu-bully na talaga ako sa physical appearance ko, na maganda lang daw ‘yung boses ko, pero 'di naman ako maganda, hindi ako total package.

“Kaya hindi ako natatanggap sa mga audition kasi nga hindi ako maganda, ganun.

“Ako kasi ‘yung tao na very positive po and hindi ko mina-mind ‘yung sinasabi ng ibang tao, at buti na lang din po na ako ay may mga mabuting kaibigan ako, ‘yung family ko din sumusuporta.”

Higit na kilalanin ang pinakabagong Kapuso diva na si Jessica Villarubin sa gallery below: