Rachel Alejandro, hinikayat ang publiko na magpabakuna laban sa COVID-19 | GMANetwork.com - Radio - Articles

Ibinahagi ni Rachel Alejadro ang karanasan niya nang magpabakuna siya laban sa COVID-19 sa New York. Panoorin ang panayam sa kanya ni Mama Belle sa 'Sikat.'

Rachel Alejandro, hinikayat ang publiko na magpabakuna laban sa COVID-19

By AEDRIANNE ACAR

Walang dapat ikatakot.

Ito ang mensahe ng magaling na OPM singer na si Rachel Alejandro sa mga Pinoy na nag-aalangan pa ring magpabakuna kontra COVID-19.

Kasalukuyang nasa New York ang ‘Mr. Kupido’ singer at masaya niyang ibinalita sa panayam sa kanya ni Mama Belle sa Sikat na ang buong pamilya niya ay inoculated na.

Kasalukuyang nakabase sa New York si Rachel. 

Saad ni Rachel, “Okay naman kami dito, we’re doing quite well. Medyo pakonti-konti, slowly getting back to normal na rin dito.

 

Source Barangay LS Facebook

 

“My whole family has been vaccinated na rin, so I’m praying talaga na ganyan na rin ang mangyari diyan sa atin. Kasi, pauwi na rin ako diyan [laughs], malapit na ako umuwi.

 

“I’m really hoping na maging equitable nga ang vaccinations all-over the world and I know marami nag-aalangan, maraming natatakot na magpa-bakuna, pero ako na po sana gawin ninyong example na safe naman po.”

Hindi rin daw siya nakaramdam ng anumang side effect matapos maturukan ng vaccine.

“It was a good experience, practically wala po talagang side effect. Napagod lang. Although alam ko ‘yung iba parang did not feel well for about a day.”

Binigyan-diin ni Rachel na kailangan isipin ang mga tao nasa paligid, tulad ng mga senior citizen, kaya importante na mabakunahan lahat laban sa COVID-19.

Wika niya, “Wala po kayong dapat katakutan, so yun para makabalik na po tayong lahat.

"And of course, maging kampante ‘yung kalooban natin na maging safe, lalong-lalo na ‘yung mga most vulnerable sa atin. ‘Yung mga ating lolo at lola,”

Nagkuwento din siya kay Mama Belle about her new single na ‘Takipsilim.’

Silipin ang full interview niya sa Sikat sa video below.

 

Narito ang ilan sa mga celebrity na nakapagpa-bakuna na kontra sa COVID-19: