Hannah Precillas, inisa-isa ang pagsubok na hinarap para mabuo ang kanyang mini album | GMANetwork.com - Radio - Articles

Aminado ang Kapuso OST princess na si Hannah Precillas sa panayam niya kay Papa Obet na madami siyang pinagdaanan para matapos lang ang kanyang latest mini album with GMA Music.

Hannah Precillas, inisa-isa ang pagsubok na hinarap para mabuo ang kanyang mini album

By AEDRIANNE ACAR

Extra special ang bagong EP/mini album ng Kapuso OST princess na si Hannah Precillas, dahil hindi biro ang pinagdaanan niya sa pag-record nito.

Busy sa pagpromote ang Kapuso diva ng kanyang  ‘Hannah Precillas Sessions’ album na may apat na single: “Hiram na Sandali,” “Awit ni Inay,”, “Sabi Ko Na Nga Ba” at ang title track nito na “Munting Hiling.”

Sa exclusive interview ni Hannah with Papa Obet sa SIKAT, ikinuwento niya na may sakit siya noong nire-record ang mga kanta sa latest album niya.

Pahayag niya sa Barangay LS Forever, “So, challenging itong pag-record ko dito, kasi siyempre at home lang ‘yung recording ko noh, pati ‘yung video shoot.

“Kailangan ko talaga matutunan. Actually, hindi ako okay noong nire-record ko ‘yung mga kantang yun, e.

“At natiyempo pa ‘yung araw talaga mismo na ‘yun bigla ako inatake ng sinusitis ko.”

Dagdag ni Hannah, “Ako pinilit ko talaga ‘yung sarili ko na, ‘Hindi! Kailangan ko gawin pa rin ‘to kahit hindi man maging perfect kumbaga.'

“Matutuwa pa rin ‘yung makikinig sa akin, so ‘yung naging struggles ko nung time na ‘yun.”

 

Photo taken from Barangay LS Forever Facebook

 

Balikan ang buong kuwento ng Kapuso OST Princess kung paano nabuo ang kanyang “Hannah Precillas Sessions”  album sa video below.

 

Balikan ang ilan sa achievements ni Hannah Precillas bilang isang OPM singer sa gallery below.