SIKAT: Lovi Poe stars in a new Viva Film movie 'The Other Wife' | GMANetwork.com - Radio - Articles

 TV-movie star Lovi Poe, proud na nakagawa ng pelikula sa gitna ng pandemya.

SIKAT: Lovi Poe stars in a new Viva Film movie 'The Other Wife'

By AEDRIANNE ACAR

Full steam ahead na ang ginagawang promotion ng actress-singer na si Lovi Poe para sa kanyang Viva Films movie na ‘The Other Wife’ na will be streamed exclusively sa VIVAMAX sa darating na July 16.

Makakasama ni Lovi sa bagong affair movie na ito sina Joem Bascon at Rhen Escaño.

 

Source Sikat FB

 

Bumista sa Sikat Online program ni Papa Obet si Lovi kamakailan lang para ibahagi ang ilang detalye tungkol sa film project na ito.

 

Kuwento ng aktres, “Napakaganda ng pelikula na ‘to, kasi kakaiba siya, it’s called ‘The Other Wife’

“You would think it’s another affair movie, but it’s not your ordinary affair movie.”

Malaking bagay ayon kay Lovi na sa kabila ng hirap ngayong pandemya ay nakagawa siya ng isang quality film para sa mga manonood.

Aniya, “Nakaka-excite, kasi shinoot ‘to during the pandemic and the fact na nakabuo kami ng pelikula, it feels great, kahit in the middle you know of the pandemic we were able to do it and nakagawa ng paraan ‘yung mga production companies na bumuo uli ng mga bagong pelikula,”

At kahit busy sa kabi-kabilang showbiz projects si Lovi, sinisigurado nito na sumusunod siya sa mga health and safety protocol hindi lang para sa proteksyon niya, kundi pati ng mga nakakasalamuha niya.

Sabi niya sa panayam kay Papa Obet, “Well, just everyone else I feel like I stay cautious and I make sure na sinusunod ko dapat ‘yung mga kailangan gawin, as simple as, washing my hands and keeping my mask on, so you know just trying to follow to make sure that everyone is safe.”

“It’s not just me naman lang iniintindi ko, but people around me, so I think that’s the number one rule na talagang to follow is to think that you have it 'di ba.”

Tingnan ang naging quarantine life ni Lovi noong kasagsagan ng enhanced community quarantine (ECQ) noong nakaraang taon sa gallery na ito