Super Radyo DZBB is now on TikTok! | GMANetwork.com - Radio - Articles

Tuloy-tuloy ang pagbabalita kahit online!  

Super Radyo DZBB is now on TikTok!

By AEDRIANNE ACAR

Misyon ng GMA Radio group na makapaghatid ng napapanahong balita at makabuluhang impormasyon sa milyun-milyon na mga Kapuso.

At dala ng mga pagbabago na dulot ng social media, hangad ng pamunuan ng Super Radyo DZBB na makapagbigay ng ulat na walang kinikilingan at walang pinoprotektahan sa mga Pilipino online.

Kaya inilunsad ng high-rating AM station ang kanilang official TikTok account!

 

Source dzbb TikTok

 

Mas magiging madali at updated kayo 24/7 sa mga balita, bisitahin lamang ang official TikTok page ng DZBB na may mahigit sa 90,000 followers at may blue check mark.

Samantala, taos-puso naman ang pasasalamat ng radio anchors at production ng Kapuso AM station, dahil sa latest data na inilabas ng Nielsen Radio Audience Measurement na nangunguna pa rin sa Mega Manila ang DZBB noong buwang ng Agosto.

Nakapagtala ng 36.4 percent average audience share ang DZBB. 

Maraming-maraming salamat sa mainit ninyong suporta, mga Kapuso!

Related content:

GMA's AM and FM stations continue to be no. 1 in Mega Manila

Barangay LS DJs, kumasa sa #24OrasChallenge

Barangay Love Stories ranked number one in the top Philippine podcasts on Spotify PH