Anthony Rosaldo, paano binuo ang kantang 'Tama Na'? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Sa eksklusibong panayam ni Papa Obet kay Anthony Rosaldo sa 'Sikat Online,' nagkuwento ang Kapuso Pop Rocker tungkol sa bago niyang single na “Tama Na.”

Anthony Rosaldo, paano binuo ang kantang 'Tama Na'?

By AEDRIANNE ACAR

Inspiration can come anywhere.

Ito ang pinatunayan ng Kapuso Pop Rocker Anthony Rosaldo sa exclusive interview niya sa Sikat Online ni Papa Obet.

Busy sa promotion ang The Clash alumnus para sa new single niya na “Tama Na” under GMA Playlist.

Saad niya, “Ito ‘yung pinakauna kong single thru GMA Playlist, 'tapos ito rin ‘yung una kong composition na nilabas.”

Pagpapatuloy nito, “Ang writing process ko nito, nag-start siya months ago pa, noong February 2021. After ng lock-in taping, babalik ako from Tagaytay galing sa taping Ang Dalawang Ikaw. Sobrang ang tagal ng biyahe  kasi, meron na-stuck na melody sa head ko tapos I felt inspired.”

Ayon kay Anthony, itinuring niya itong sign para pasukin ang pagco-compose ng sarili niyang music.

Dagdag ng Kapuso singer, “Sabi ko, baka ito na ‘yung sign na magsulat ako’.

“So, ang ginawa ko ‘yung melody na ‘yun, ni-record ko sa phone ko habang nagda-drive ako, para hindi ko makalimutan. 'Tapos bilang three hours ako nag-drive, ayun nag-iisip na ako, ano kaya magandang isulat?

“Pero pagdating ko ng bahay, umupo agad ko, tapos nag-focus ako sa pagsusulat.”

Ikinuwento rin ni Anthony kay DJ Obet, kung sa ano’ng past experience siya humugot para mabuo ang “Tama Na.”

Aniya, “Bilang wala akong background sa pagsusulat, kasi ‘yung iba nag-aaral pa, wala talaga ako background sa songwriting, so ang inisip ko kung paano ba mas maging effective ‘yung songwriting ko, ano kaya magiging inspirasyon ko?”

“So, para maging mas organic ba, mas totoo, may binalikan ako experience from the past.”

“From a breakup years ago, ‘yung ex ko na ‘yun, ‘yung ex-girlfriend ko na ‘yun isa siya sa pinakamatagal kong girlfriend. Tapos dumating sa point naging  toxic na, laging nag-aaway. Tapos hindi na kami nag-go-grow. Wala na hindi na healthy.”

Alamin ang iba pang detalye sa bagong kanta ni Anthony Rosaldo sa video below.