DZBB's 'Ikaw Na Ba? The Presidential Interview' statement on Sen. Bongbong Marcos | GMANetwork.com - Radio - Articles

Hindi po natin makakapanayam ngayong umaga sa 'Ikaw Na Ba: The Presidential Interview' si dating Sen. Bongbong Marcos. 

DZBB's 'Ikaw Na Ba? The Presidential Interview' statement on Sen. Bongbong Marcos

Hindi po natin makakapanayam ngayong umaga sa 'Ikaw Na Ba? The Presidential Interview' si dating Sen. Bongbong Marcos. 

Batay sa impormasyong ipinaabot ni Mr. Rey Briones, pinuno ng communications group ni Marcos, hirap daw pong ma-contact ang dating senador sa lugar na kinaroroonan niya ngayon sa Davao. 

Gayunman, handa raw pong magpaunlak ng panayam si Sen. Marcos sa February 2. 

Sa February 2 ay naka-schedule sa 'Ikaw Na Ba?' si Manila Mayor Isko Moreno. 

Gayunman, patuloy pa rin ang pakikipag-ugnayan namin sa kampo ni dating Sen. Bongbong Marcos upang mahanapan ng panibagong schedule ang panayam niya dito sa "Ikaw Na Ba?"