Papa Dudut, inaming based on experience ang kanyang love advice sa Barangay LS Forever | GMANetwork.com - Radio - Articles

Napanood n’yo ba ang hiritan sa pag-ibig ng award-winning radio host na si Papa Dudut sa ‘Unang Hirit?’

Papa Dudut, inaming based on experience ang kanyang love advice sa Barangay LS Forever

By AEDRIANNE ACAR

Tumatak na sa mga Kapuso at Kabarangay ang signature love advice ng multi-awarded DJ na si Papa Dudut.

Sa online guesting niya sa longest-running morning show na Unang Hirit kaninang umaga, February 3, ibinahagi niya kina Arnold Clavio at Susan Enriquez ang istilo niya ng pagpapayo sa kanyang avid listeners.

Kuwento ni Papa Dudut, “Well, ako ‘yung klase ng radio host na nagbibigay ako ng mga advice base doon sa pag-aanalyze ko sa mga love problem.

“Tapos after saying ‘yung mga options, hinahayaan ko sila ‘yung mag-advice sa sarili nila.”

 

Source papadudut IG

Umamin din ang Barangay Love Stories host na galing mismo sa kanyang experiences ang ipinapayo niya, kahit ang topic ay tungkol sa heartbreak o pagkasawi sa pag-ibig.

Aniya, “Doon sa tanong na nakaranas ba ako [na masawi sa pag-ibig]. Oo naman! And pointers ‘yun para mas marami kang ma-advice, from my own experience naman ‘yun.”

Kamakailan, itinanghal si DJ Dudut na Most Outstanding Male FM DJ sa 4th Gawad Lasallianeta ng De La Salle Araneta University.

Pinarangalan din ang GMA News Pillar na si Mike Enriquez bilang Most Outstanding Male News Anchor.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Papa Dudut (@papadudut)