Super Radyo DZBB anchors, todo ang suporta sa pagbabalik ni Mike Enriquez | GMANetwork.com - Radio - Articles

Back to work na ang premyadong broadcast journalist at GMA news pillar na si Mike Enriquez sa nangungunang AM station ng bansa na Super Radyo DZBB.

Super Radyo DZBB anchors, todo ang suporta sa pagbabalik ni Mike Enriquez

By AEDRIANNE ACAR

Mainit ang pagbati ng buong Radio GMA group sa pagbabalik ng multi-awarded TV and radio anchor na si Mike Enriquez, matapos ang tatlong buwan mula noong sumailalim siya sa isang kidney transplant procedure noong December 16, 2021.

Lunes ng umaga (March 28), sumabak na agad si Mike sa Super Balita sa Umaga Nationwide kasama si Joel Reyes Zobel.

Ilan sa bumati sa Kapuso radio anchor sa kaniyang pagbabalik ay ang kapwa GMA News pillar na si Arnold Clavio at DZBB host Kathy San Gabriel.

 

 

Nagpakita rin ng suporta ang Unang Hirit host na si Connie Sison sa kanilang boss sa Radio GMA na tuwang-tuwa rin na makakasama na nila uli ito.

 

Source connie sison IG

Kumusta kaya ang naging recovery ni Mike Enriquez at anu-ano ang mga mahalagang aral na natutunan niya matapos ang tatlong buwan niyang medical leave?

Silipin sa report na ito ng Kapuso Showbiz News.