Barangay LS Forever, nag-uwi ng parangal mula sa Dakilang Filipino Awards | GMANetwork.com - Radio - Articles

Congratulations sa lahat ng bumubuo ng GMA Radio at Barangay LS!

Barangay LS Forever, nag-uwi ng parangal mula sa Dakilang Filipino Awards

By AEDRIANNE ACAR

Muling kinilala ang husay at galing ng mga radio host at show ng number one FM station sa Metro Manila na Barangay LS Forever sa katatapos na Dakilang Filipino Awards.

Itinanghal na Best Radio Program ang Talk To Papa this year at kinilala bilang Best Radio DJ sina Papa Marky, Papa Ace, at Papa King.

 

Dakilang Filipino Awards

 

 

 

Sunod-sunod ang mga pagkilala na natatanggap ng Kapuso FM station ngayong 2022. Last month, hinirang naman bilang Most Outstanding Female FM DJ si Mama Emma sa 2022 Asian Business Excellence Awards.

Congratulations sa buong team ng Barangay LS Forever!