DZBB at Barangay LS, humakot ng award sa 44th Catholic Mass Media Awards | GMANetwork.com - Radio - Articles

Congratulations, DZBB at Barangay LS Forever!

DZBB at Barangay LS, humakot ng award sa 44th Catholic Mass Media Awards

By AEDRIANNE ACAR

Wagi ang mga programa ng numero unong AM at FM station sa Mega Manila, ang dzBB at Barangay LS, sa katatapos na 44th Catholic Mass Media Awards (CMMA), na ginanap noong November 23, 2022 sa Manila Grand Opera Hotel.

Special citation para sa Best Entertainment Program ang iginawad sa anim na buwan pa lamang na programa ng dzBB, ang Sumasapuso kasama si Toni Aquino.  Samantala, ang Bahay at Buhay kasama si Lala Roque ang hinirang para sa Best News Feature.

 

Ang programa ni Papa Dudut sa Barangay LS na Barangay Love Stories ang nagwagi para sa Best Entertainment Program; habang ang programang SOS: Serbisyo on the Spot nina Atty. Romy Macalintal, Atty. Rowie Daroy, at Kathy San Gabriel ang nagwagi bilang Best Public Service Program.

 

Tinanggap naman ni "Igan" Arnold Clavio ang parangal sa Best News Commentary Program para sa kanyang programang One-on-One, Walang Personalan, kasama niya sa programa si Connie Sison.

 

Muling pinarangalan ang award-winning news program na Super Balita sa Umaga Nationwide bilang Best News Program.

 

Congratulations, mga Kapuso!