Tandem nina Papa Ding at Janna Chuchu, wag isa 7th Ppop Awards! | GMANetwork.com - Radio - Articles

Nakasungkit ng parangal sa 7th Ppop Awards ang Barangay LS Forever. Congratulations, mga Kabarangay!

Tandem nina Papa Ding at Janna Chuchu, wag isa 7th Ppop Awards!

By AEDRIANNE ACAR

Nakatanggap ng early Christmas gift ang ating mga talented na Kapuso FM radio hosts sa katatapos na 7th Ppop Awards.

Pinarangalan ang tandem nina Papa Ding at Janna Chuchu ng award-giving body bilang Pop Radio Hosts of the Year. Ang programang Songbook, kinilala naman bilang Pop Radio Musical Interactive Program of the Year.

Sa post ni Papa Ding sa Facebook, aminado ang radio host na nabigla siya sa natanggap nilang pagkilala.

Aniya, “Nakakakilig at nakakaiyak.

“In my 8 years of being a radio DJ, di ko inexpect na mabibigyan ako ng ganitong pagkilala. I’m always doing my best naman sa bawat araw na uupo ako sa programa ko pero sa dinarami ng mahuhusay na DJ, isang malaking karalangan ito.”

Taos-puso rin ang pasasalamat niya sa kanyang home network at sa lahat ng bumubuo ng Barangay LS Forever.

Saad niya, “Maraming salamat sa bumubuo ng 7th Ppop Awards, sa Barangay LS 97.1, GMA Network Inc., sa mga bosses namin, family and friends, thank you for being there every step of the way!

“Mga kapuso at kabarangay, para sa inyo ito! Maraming salamat!”

Ppop Awards started in 2016, wherein an award-giving body composed by PPOP Artists League established an awarding ceremony to recognize the talents and the potentials of Filipino young artists who marked an excellence and influence in the Philippine Pop industry on music, arts and culture.