Ano ang payo ni Papa Marky sa kanyang lesbian caller na binabalikan ng ex? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Mga Kabarangay, napanood n’yo ba ang guesting nina Papa Dudut at Papa Marky sa ‘Eat Bulaga’?

Ano ang payo ni Papa Marky sa kanyang lesbian caller na binabalikan ng ex?

By AEDRIANNE ACAR

Binalikan ng Talk To Papa host na si Papa Marky ang isang memorable caller niya sa radio program nang makapanayam siya ng Eat Bulaga hosts sa segment nilang "Pinoy Henyo."

Guest sina Papa Marky at multi-awarded DJ na si Papa Dudut ngayong Martes, January 10, at dito nausisa si DJ Marky kung may Kabarangay na nagbahagi ng kanyang problema na pinakatumatak sa kanya.

Lahad ng Kapuso DJ, “'Yun ‘yung tema ng programa ko sa Talk To Papa. So, naghahanap kami ng mga tao na problemado sa buhay." Biglang biro niya, “maliban lang sa pera, kasi pare-parehas tayo.”

 

 

Inalala nito ang isang lesbian caller niya recently na may agam-agam na balikan ang “first love” niya na iniwan na siya noon.

Kuwento ni Marky, “Recently lang, meron kaming caller, babae siya pero ang puso niya lalaki. Nagmahal siya ng babae, first love niya, tapos ipinagpalit siya sa best friend nung babae.

“Ngayon, hindi pa ‘yun tapos, nabuntis ‘yung babae, dalawa ‘yung anak. Niloko siya nung lalaki, bumalik sa kanya ‘yung babae.”

Ano kaya ang naging payo niya dito?

Sabi ng Talk To Papa DJ sa dabarkads, “Hindi, huwag mo balikan, dahil may panibago siyang jowa, mas mayaman. [laughs].”

“Sabi ko sa kanya, mahal ang diaper, mahal ang gatas, doon ka sa jowa mong mayaman.”

Sa "Pinoy Henyo," nasagot ni Papa Dudut ang pinapahulaan sa kanyang salita na “strawberry” bago matapos ang kanilang time limit.

Nag-uwi sila ni Papa Marky ng PhP 20,000.