Barangay LS Forever, hinirang na Innovative Radio Station of the Year | GMANetwork.com - Radio - Articles

May bagong award ang nangunguna at hindi mapantayang FM station ng bansa, ang Barangay LS Forever

Barangay LS Forever, hinirang na Innovative Radio Station of the Year

By AEDRIANNE ACAR

Wagi ang top-rating FM station na Barangay LS Forever sa Global Trends Business Awards 2023 na idinaos sa Okada Manila kagabi, February 20.

Nasungkit ng Kapuso FM station ang parangal na Innovative Radio Station of the Year. Samantala, sina Papa Carlo at Papa Jepoy naman pinarangalan bilang Global Supreme Male FM Radio hosts of the year.

 

Ang Global Trends Business Leaders Awards ay isang non-profit organization na kinikilala ang mga natatanging business leaders ng bansa.

 

Noong January 2023, ang Kabarangay na si Papa Dudut ay itinanghal na Most Outstanding Male FM DJ sa 5th Gawad Lasallianeta ng Dela La Salle Araneta University.