Barangay LS, patuloy na humahakot ng mga parangal ngayong Mayo | GMANetwork.com - Radio - Articles

Taos pusong pasasalamat, mga Kabarangay!

Barangay LS, patuloy na humahakot ng mga parangal ngayong Mayo

By AEDRIANNE ACAR

Sunod-sunod ang natanggap na pagkilala ng number one FM station sa Mega Manila na Barangay LS Forever nitong mga nagdaang linggo.

Muling kinilala sa 17th UPLB Gandingan Awards ang Barangay Love Stories bilang Most Development-Oriented Radio Drama. Noong nakaraang taon, nakamit ng show ang tropeo sa kaparehong kategorya at si Papa Dudut naman ang itinanghal bilang Best FM Radio Program Host.

Kinilala rin ngayong taon sa Gandingan 2023 awards ang Barangay LS 97.1 bilang Most Development-Oriented FM Station.

Bago nito, nanalo rin si Papa Dudut bilang Outstanding Radio Host of the Year sa 4th Laguna Excellence Awards.

 

Source: papadudut (IG)

Patuloy na sumubaybay at makinig 24/7 sa mga panalong programa at paborito n’yo na radio DJs sa Barangay LS 97.1!