Arnold Clavio, proud sa anak na si Adrienne na nakapagtapos sa George Brown College | GMANetwork.com - Radio - Articles

Multi-awarded DZBB radio anchor na si Arnold Clavio, bilib sa achievement ng kaniyang anak na si Adrienne Maria Karyna Veluz Clavio.

Arnold Clavio, proud sa anak na si Adrienne na nakapagtapos sa George Brown College

By AEDRIANNE ACAR

Kilala ng publiko si Arnold Clavio na isang pillar ng GMA Integrated News at nakatanggap na ng hindi mabilang na parangal bilang isang broadcaster at radio anchor.

Gayunpaman, pinipili pa rin nito na maging pribado ang ilang detalye tungkol sa kaniyang buhay, lalo na pagdating sa kaniyang pamilya.

Pero nitong Miyerkules (September 20), masayang ibinahagi ni Igan sa social media na nagtapos sa George Brown College ang kaniyang anak na si Adrienne Maria Karyna Veluz Clavio (o Ayka )

Sabi ng Kapuso news personality sa caption niya sa Instagram, “Congratulations @aykikay on your graduation at George Brown College @gbcollege Food and Beverages Management - Restaurant Management (with honours). Proud papa here.”

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by AkosiiGan???? (@akosiigan)

 

Ilan din sa bumati kay Adrienne ang mga kasamahan ni Arnold sa GMA Integrated News tulad nina Lyn Ching at Pia Arcangel.