Barangay Love Stories, kinilala ng Spotify Philippines | GMANetwork.com - Radio - Articles

Mga Kabarangay, ano ang favorite kuwento n’yo na ibinahagi ni Papa Dudut sa ‘Barangay Love Stories?’

Barangay Love Stories, kinilala ng Spotify Philippines

By AEDRIANNE ACAR

Hindi lamang nangunguna sa radio waves ang Barangay Love Stories ni Papa Dudut, kundi pati sa podcast.

Sa isang post ng award-winning Kapuso disk jock, ipinasilip niya ang natanggap na pagkilala ng Spotify Philippines nang hirangin nila ang Barangay Love Stories bilang Philippines Top Love and Relationship Podcast of the Year.

Noong nakaraang buwan, nakatanggap naman ang Barangay Love Stories ng isang Special citation sa 45th Catholic Mass Media Awards o CMMA sa kategoryang Best Drama Program.

Congratulations sa lahat ng bumubuo ng Barangay Love Stories!