Cryptic post sa Barangay LS, hinulaan ng netizens | GMANetwork.com - Radio - Articles

May exciting na mangyayari sa award-winning at high-rating FM station ng bansa. Abangan ito, mga Kabarangay!

Cryptic post sa Barangay LS, hinulaan ng netizens

By AEDRIANNE ACAR

Maraming ka-Barangay ang naintriga sa cryptic post ng Barangay LS sa Facebook page nito kahapon, April 24.

Sa post ng Kapuso FM radio station, makikita ang ART card na may caption: “May magbabalik na sikat sa radyo”

Buhos ang komento ng avid supporters ng Barangay LS tungkol sa aabangan na ito.

 

 

 

Ang hula naman ng iba ay ilan sa mga dating hosts ng Barangay LS Forever ang magbabalik tulad ng former Wanted Sweetheart host  na si Papa Dan, na umalis noong 2017 para mag-migrate sa Australia

 

Kayo, mga Kapuso at ka-Barangay, ano ang hula n’yo?