DZBB at DZBB primetime anchor Melo del Prado, pinarangalan sa Malabon Ahon Media Award 2024 | GMANetwork.com - Radio - Articles

Kinilala ng mga estudyante ng City of Malabon University ang kontribusyon ng Super Radyo DZBB at seasoned radio anchor na si Melo del Prado.

DZBB at DZBB primetime anchor Melo del Prado, pinarangalan sa Malabon Ahon Media Award 2024

By JAMES ABAN

Binigyang pagkilala ng pamahalaang lungsod ng Malabon ang Super Radyo DZBB, GMA Integrated News at ilan nitong mga personalidad.

Iginawad bilang Best Malabon Ahon Public Service Radio Station ang Super Radyo DZBB, at Best Malabon Ahon Radio Promoter ang veteran radio anchor at broadcast journalist na si Melo del Prado.

Binigyan naman ng special citation ang GMA Integrated News. Tumanggap ng parangal at kumatawan para sa GMA Integrated News ang Kapuso reporter na si Jaime Santos.

Isinagawa ang seremonya sa Rizal Park Hotel sa lungsod ng Maynila.

Ibinatay ang award sa boto ng mga estudyante ng City of Malabon University at sa tulong ng media sa Malabon City LGU sa pagpapaunlad nito.

Pinangunahan ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval ang pagbibigay ng award sa Gabi ng Pasasalamat 2024, kaugnay ng paggunita sa ikadalawampu’t tatlong taong pagka-lungsod at ika-424 taong pagkakatatag ng Malabon.

Nagpasalamat naman si Del Prado sa ibinigay sa kanyang parangal at sa Super Radyo DZBB kasabay ng pagsasabi na tuloy-tuloy ang pagbabalita at serbisyong totoo.