Super Radyo DZBB, wagi bilang Most Development-Oriented AM Station sa 18th Gandingan Awards | GMANetwork.com - Radio - Articles

Award-winning AM station na Super Radyo DZBB, pinarangalan sa katatapos na 18th Gandingan Awards

Super Radyo DZBB, wagi bilang Most Development-Oriented AM Station sa 18th Gandingan Awards

By JAMES ABAN

Muling pinarangalan ang mga mamamahayag at mga programa sa radyo at telebisyon sa ika-18 Gandingan Awards ng UP Los Baños Community Broadcast Society.

Sa temang “Agrikultura, mga kuwento ng hamon at pagasa" pinarangalan bilang Most Development-oriented AM station ang Super Radyo DZBB.

Ang taunang Gandingan Awards ay naglalayong bigyan ng pagkilala ang mga mamamahayag at mga programa sa radyo, telebisyon dahil sa paggamit ng kanilang kaalaman at kakayanan sa paglalahad ng tamang impormasyon at kuwento para sa ikauunlad ng bansa at pag-asa ng mga Filipino.