Connie Sison at ibang programa ng DZBB, kinilala sa 47th Catholic Mass Media Awards | GMANetwork.com - Radio - Articles

Mga programa at anchors ng Super Radyo DZBB, makakatanggap ng parangal sa 47th Catholic Mass Media Awards night sa darating na Nobyembre.

Connie Sison at ibang programa ng DZBB, kinilala sa 47th Catholic Mass Media Awards

By AEDRIANNE ACAR

Bago matapos ang buwan ng Oktubre, muli na namang kinilala ang ilang radio personalities at programa ng award-winning AM station na Super Radyo DZBB.

Noong nakaraaang Linggo, opisyal na inanunsyo ang mga nanalo sa 47th Catholic Mass Media awards.

Ang radio show ni Connie Sison na Pinoy MD sa Super Radyo DZBB ay kinilala bilang Best Educational Program at ang award para sa Best News Commentary Program ay nakuha naman ng Melo del Prado sa Super Radyo DZBB.

Dalawang programa rin ng DZBB ang nakakuha ng special citation: ang Dobol Weng sa Dobol B sa kategoryang News Commentary Program at Super Serbisyo, Trabaho at Negosyo para sa Business News Program.

Idadaos ang awards night ng 47th CMMA sa darating na November 19, 2025.